By: April and Honey Muring
Pinagharian ng SK Brgy. San Miguel ang 2nd SK Inter-Barangay Basketball League 2009 at sa ikalawang pagkakataon ay nasukbit nila ang kampeonato nuong Mayo 27, 2009 na ginanap sa Rotary Gym,
Nagsalpukan ang labing pitong Barangay at pinangunahan ng mga SK Chairpersons ang kani-kanilang koponan sa hangaring manalo, at sila ay hinati sa dalawang bracket, A at B. Hindi nakalasap ng talo ang Barangay San Miguel sa “Elimination Round” at madali lamang nakapasok sa “Best of Four” katunggali ang Barangay Magugpo West samantalang Brgy.
Binulsa ng Kampyong Brgy. San Miguel ang Tumataginting na P 7,000 na may kasamang Trophy at P 30,000 worth of Project. P5,000 with trophy at P 20,000 worth of project naman ang nakamit ng 1st runner-up na Brgy.
Umarangkada ang Liga noong May 4-27, 2009 sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan City Federation of Tagum sa liderato ni SKCF Pres. CYRIL LEONARD L. MURING sa tulong ni Mayor Rey T. Uy, Hon. De Carlo Uy- City Sports Action Officer, Anthony G. del Rosario – Provincial Sports Coordinator at ni SKPF Pres. Dennis Café sa mga papremyo at sa pag implementa ng nasabing programa.
Dinagsa at dinumog ng mga manonood ang kagila-gilalas at makapigil hiningang sagupaan ng bawat kupunan na nagpamalas ng kanilang galing sa larangan ng sports at sa hangaring mahubog ang pisikal at mental, disiplina at pagkakaisa ng mga Kabataan sa lungsod ng Tagum at sa patuloy na programa laban sa ipinagbabawal na gamot.




